Inihayag ni Dina Bonnevie na wala silang problema ni Pauleen Luna, na asawa ngayon ng kaniyang ex-husband na si Vic Sotto.

Sa "Fast Talk with Boy Abunda," binalikan ni Tito Boy ang isang insidente noon na binanggit ng kaniyang anak na si Danica na gusto umanong makipag-usap sa kaniya [Dina] ni Pauleen.

“That time kasi, when she asked, sabi ko nga, ‘Anong pag-uusapan namin?’ We’re going to talk about Vic? Ayokong makialam sa mga relationship ni Vic,” paliwanag ng veteran actress.

“But actually, Pauleen and I are okay," pagpapatuloy niya.

Katunayan, nagkikita raw sila ni Pauleen sa mga family gathering ng mga Sotto, lalo sa mga kaarawan ng mga anak nina Danica at Oyo.

“She's okay. She comes to me and she says ‘Mama D, magbibigay-pugay lang po. This is my daughter.' Pinakilala niya 'yung daughter niya and it’s really so nice of her to have come to our table and introduce herself,” sabi ni Dina tungkol kay Pauleen.

Hinangaan pa ni Dina si Pauleen dahil hindi nito ipinagkakait ang oras ni Vic kina Oyo at Danica.

“If she wants to talk to me, fine. I don’t mind. Wala kaming angst ni Pauleen. Isa pa, ang gusto ko sa kaniya, she really makes it a point that my children spend time with their dad. Hindi niya nilalayo,” sabi pa ni Dina.

Ikinasal sina Dina at Vic noong 1982, pero naghiwalay noong 1986. Anak nila sina Oyo at Danica.

Samantala, ikinasal naman sina Vic at Pauleen noong 2016 at may isang anak, si Talitha.-- FRJ, GMA Integrated News