Nilinaw ni Liza Soberano sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Biyernes ang mga pahayag niya sa kontrobersiyal na vlog niya na, "This is Me." Inamin din ng aktres na nasaktan siya sa naging komento ng TV host sa kaniyang vlog.

Ayon kay Liza, sa umpisa ay wala sana siyang balak na magpa-interview kay Tito Boy dahil pakiramdam niya ay wala naman siyang dapat na ipaliwanag.

"But I started having feelings of regret because there were so many interpretations of what I said. It was getting so noisy. So many thoughts and opinions were coming in. I felt I needed to defend myself," paliwanag niya.

Sa sit-down interview na ginawa noong Marso 7, sinabi ni Liza na inilahad lang niya ang "facts" sa naturang vlog niya.

"I was breaking down the journey and so people understand where, what point I am at in my life right now. I was literally saying, I started as a child. I didn't get the chance to grow into myself as an adult," anang akres.

Ayon kay Liza, hindi siya nagrereklamo, bagkos ay nagpapasalamat siya sa lahat ng kaniyang naging karanasan.

"Napag-aral ko sarili ko, nakatapos ako ng high school. Nakabili ako ng bahay para sa family ko, here in the Philippines and for my grandparents living in the states. I'm so grateful for that kasi I was able to do things at such a young age, if not for this job," patuloy ni Liza.

"I just needed to state that I didn't get to become, or discover myself on my own terms. I had to do it with the whole country looking at me," dagdag pa niya.

Kasunod ng paglabas ng kontrobersiyal na vlog, nagkomento si Tito Boy, at nagpahayag na "extremely disapointed" siya sa mga sinabi ni Liza.

READ: Boy Abunda, ‘extremely disappointed’ sa mga pahayag ni Liza Soberano

Sa panayam, tinanong ni Tito Boy si Liza kung ano ang naging reaksiyon niya sa naging komento niya sa aktres.

"Na-hurt ako," anang aktres. "Kasi feeling ko of all people ikaw yung makakaintindi. 'Cause I see you as one of the wisest in the industry."

Patuloy pa ni Liza, "And sa dami ng napagdaanan mo, with different personalities parang you always saw things for what they were. And parang ang paniniwala ko your judgement is unclouded by the noise of media, by what the fans says so parang I felt like misunderstood by you."

Pero naunawaan daw niya ang lahat matapos siyang kausapin ni James Reid, na una nang nakipag-usap kay Tito Boy.

Sinabi rin ni Liza na isa iyon sa mga dahilan kaya pumayag siyang makipag-usap sa King of Talk. — FRJ, GMA Integrated News