Imbes na chill bonding lang, naging competitive ang pool party ng isang magbabarkada nang maisipan nilang sumabak sa synchronized swimming.
Sa ulat ni Saleema Refran sa “State of the Nation,” mapapanood ang video ng RX Unit na tila may trip to Olympics nang ideklara nilang sila na ang pambato ng bansa sa synchronized swimming.
Kahit na muntik lang silang magsabay-sabay, hindi naman mabibitin ang viewers sa kanilang routine na binubuo ng iconic dance steps at exhibitions.
Best in discipline din ang grupo kaya panalo sila sa netizens.
Sa ngayon, may mahigit 500,000 reactions at pitong milyong views na ang video ng magbabarkada. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
