Inilahad ni Sam Milby ang kaniyang saloobin sa nangyaring pag-iyak ng dati niyang nobya na si Catriona Gray sa concert ni TJ Monterde na pareho nilang dinaluhan.
Sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Lunes, sinabi ni Sam na batid niyang manonood din ng concert ni TJ si Catriona, na nakapuwesto hindi kalayuan sa kaniya.
"TJ... first off, I didn't know na ganun 'yung mga song niya. It was such a beautiful concert but it was really hard," ani Sam.
"A woman that I still love and care about is—I see a few seats away from me—is crying," patuloy ng aktor. "I didn't know how to react."
Inakala ng mga netizen na nakakita sa insidente nang mag-viral sa social media na naka-move on na si Sam sa kanilang break-up habang hindi pa si Catriona.
Pero ayon kay Sam, mali ang akala ng ibang tao.
"If people thought I was comfortable, I was complete opposite. I was not comfortable during that concert," saad niya.
"And it's something that should be celebrated 'cause it was a beautiful concert. My best friend was directing, John Prats. But it was a hard situation and I was kind of frozen at the time. It wasn't easy at all," sabi pa niya.
Sa naturang episode, naging emosyonal si Sam nang kumustahin siya matapos ang hiwalayan nila ni Catriona.
BASAHIN: Sam, emosyonal nang matanong tungkol sa breakup nila Catriona: 'No breakup is easy'
Lumabas sa publiko ang relasyon nina Sam at Catriona noong 2020, at naging engaged sila noong 2023.
Mapapanood si Sam sa romantic comedy film na "Everything About My Wife, kasama sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo. —FRJ, GMA Integrated News
