Isang 39-anyos na lalaki ang nasagip matapos siyang ma-trap sa isang imburnal sa Cebu City. Ang lalaki, pumasok umano sa butas para maghanap ng barya.
Sa ulat ng GMA Regional TV, na iniulat din sa Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing puwersahang inalis ng mga rescuer ang bakal na takip ng imburnal upang mailabas doon ang lalaki.
Isinugod sa ospital ang lalaki matapos nito.
Ayon sa nakakita sa lalaki, nakarinig siya ng may pumupukpok sa bakal at narinig ang isang boses galing sa imburnal. Dahil dito, humingi na siya ng tulong sa mga awtoridad.
Dagdag pa ng Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office, pumasok sa isang butas ang lalaki upang maghanap ng barya. May layo itong na nasa 500 metro kung saan siya nakita.
Nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Social Welfare and Services sa lungsod para sa assessment sa lalaki. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
