“Pinya-tastic” ang higanteng “pinya” na mahigit 32 talampakan ang taas at binubuo ng 2,823 na fresh at tunay na pinya na ginawa para sa ika-10 Pinya Festival sa Pudtol, Apayao.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Huwebes, sinabing ang naturang obra ay itinampok ng mga taga-Pudtol ngayong International Pineapple Day.
Bukod sa taas nito, mayroon ding lapad na 11 talampakan ang giant pinya installation.
Sinabi ng Pudtol LGU na nagmula sa mga inani na mga magsasaka ang halos 3,000 na fresh pinya na ginamit sa ginawa nilang obra.—Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News
