Muling nakasama ni Paolo Contis sa mga anak niya sa dating kinakasama na si Lian Paz na sina Xalene at Xonia. Ang aktor, may mensahe rin kay John Cabahug, na kasalukuyang partner ni Lian.
Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi ni Paolo ang mga larawan ng bonding moments nila ng kaniyang mga anak, kasama rin sina Lian at John.
Binati rin ni Paolo si John, na isang basketball player, na kaarawan nito.
“Happy Birthday John! I want to take this opportunity to thank you for allowing Lian and my kids nung araw na to. Oo, hinintay ko talaga ang birthday mo to publicly express my gratitude to you,” mensahe ni Paolo.
Pinasalamatan din niya si Lian sa pagiging “always being kind and forgiving.”
“This is why hindi kayo pinabayaan ni Lord. I appreciate all your efforts in talking to John about that day. Thank you for being strong and for how you nurtured the kids to have beautiful hearts,” dagdag ni Paolo.
Nangako rin si Paolo na magkaroon siya ng “constant communication” sa pamilya ni Lian, at hindi na sasayangin ang pagkakataong ibinigay sa kaniya.
“Thank you for taking care of the kids. Please know that I am always here para sa inyong lahat. To more precious days like this. Happy Birthday John! Thank you for the friendship!,” saad ng aktor.
Ikinasal sina Paolo at Lian noong 2009 ngunit naghiwalay noong 2012.
BASAHIN: Paolo Contis, nagbigay ng update sa annulment case nila ng estranged wife na si Lian Paz
May anak din si Paolo sa dati niyang partner na si LJ Reyes na si Summer. Naghiwalay sila noong 2021.
Naka-base ngayon si LJ sa New York kasama ang kaniyang mga anak at kasal na ngayon kay Philip Evangelista. -- FRJ GMA Integrated News

