Inilahad ni Jericho Rosales na kaibigan niya ang kaniyang mga dating nakarelasyon na sina Kim Jones at Heart Evangelista.

"Kim is my friend. She's one of my very, very great friends. Heart is my friend," sabi ni Jericho sa kaniyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes.

"I mean, every time I see whoever's around and in Manila, of course, I try to make friends with everyone. Life is too short to have enemies," pagpapatuloy ni Echo.

Ayon pa kay Jericho, wala namang nagaganap na selosan sa pagitan niya at sa kasalukuyang nobya na si Janine Gutierrez, pagdating sa trabaho at mga nauna nilang nakarelasyon.

"I'm so lucky because she's also a great actress, and we both know and understand our jobs. Yeah, wala. We don't like that energy," sabi ni Jericho.

Tatlong taon naging magkasintahan sina Jericho at Heart bago sila naghiwalay noong 2008. Kasal na ngayon si Heart kay Senator Chiz Escudero.

Samantala, halos 10 taon nang kasal sina Jericho at Kim bago sila naghiwalay noong nakaraang taon.

Gumanap si Jericho bilang si dating pangulong Manuel L. Quezon sa makasaysayang biopic na "Quezon."

Kasama niya sa pelikula sina Benjamin Alves, Mon Confiado, Therese Malvar, Arron Villaflor, Cris Villanueva, Romnick Sarmenta, Karylle, JC Santos, Jake Macapagal, Bodjie Pascua, Angeli Bayani, Jojit Lorenzo, Joross Gamboa, Ana Abad Santos, Ketchup Eusebio, at Nico Locco.

Mapanonood ang "Quezon" sa mga sinehan sa Oktubre 15.—FRJ GMA Integrated News