Binasag ni Marjorie Barretto ang kaniyang pananahimik matapos ang vlog interview ng kaniyang ina na si Inday Barretto kay Ogie Diaz. Sa naturang panayam, nagsalita si Inday tungkol sa ugali ni Marjorie at ang hindi umano maayos na relasyon nilang mag-ina.

Sa isang mahabang post sa Instagram, inilahad ni Marjorie ang kaniyang panig at sinabing nagulat siya sa mga pahayag ng kaniyang ina, lalo na’t patuloy pa silang nagluluksa sa pagpanaw ng kanilang kapatid na si Mito.

“A few days ago, on my brother's first-month death anniversary, an interview of my mom was released,” saad ni Marjorie, na sinabing mabigat iyon sa kaniyang puso.

“I woke up to frantic calls and messages from loved ones saying that my mom had said very hurtful and untrue things about me,” dagdag niya.

Nagulat umano siya nang malaman niyang sinabi ng kaniyang ina na hindi sila magkasundo.

“Was I not taking my mom home from the wake? Was I only dreaming that we were talking, hugging, and comforting each other?” ani Marjorie.

Kinuwestiyon din niya ang timing ng mga pahayag ng kaniyang ina, lalo na’t nagluluksa pa ang kanilang pamilya dahil sa pagpanaw ni Miko.

“Or am I once again damage control? The Mission: Destroy Marjorie - to make the youngest child look good and clean,” sabi ni Marjorie.

Depensa ni Marjorie, lagi raw siyang nagmamahal at nagpapakita ng malasakit sa kaniyang pamilya, kabilang na ang kaniyang ina.

“Over the years, through all my Instagram posts, you've seen me surrounded by my family,” ani Marjorie. “I always make sure we are all together at my gatherings.”

“In all those photos and videos, have you not seen my mom at our big family events? Was that all just a dream? An illusion of mine?” patuloy niya.

Tugon niya sa sinabi ng ina na nahihiya siya rito: “Why would you say that, Mom?”

“You and my siblings know very well that you've often asked me not to post photos of us together because Gretchen and Claudine might get upset,” ayon kay Marjorie.

Sinabi rin ni Marjorie na “nakiusap” umano ang kanyang ina na huwag niyang ayusin ang relasyon kina Gretchen at Claudine upang hindi siya “maiwanan.”

“I am 51 years old, and for more than 20 of those years, I have been punished for being the child who never bothered my parents with problems, the one who kept it together even while drowning to survive,” sabi pa ni Marjorie. “With my mom, if you are not a problematic child, you become the least favorite."

Tinawag ni Marjorie ang Part 2 ng panayam ni Inday kay Ogie na “just as false, unfair, and destructive” gaya ng Part 1 na tumalakay sa relasyon nina Claudine at Raymart Santiago.

Sa panayam, inilarawan ni Inday si Marjorie bilang “matigas ang ulo” at inaming hindi sila palaging nagkakasundo.

“Marjorie is very strong-willed. Sometimes lampas sa normal,” ani Inday. “We don’t get along fine. I love her, she knows that. She'd better know it because otherwise what a loss."

Sinabi rin ni Inday na pakiramdam niya ay tinatanggihan siya ng kaniyang anak.

“I just feel like she loves me, but parang hindi ako enough sa kaniya,” aniya. “Parang may hinahanap siya sa akin na hindi ko alam kung ano kasi kung alam ko, ibigay ko.”

Ayon kay Marjorie, tinawag siya ng ina na “matigas ang ulo” sa negatibong paraan.

"Mom, I should not be punished and insulted for being strong-willed. I fought so hard to get to this point. I had no choice. When the going gets tough for the favored child, I am made to suffer for it,” sabi niya.

Tinapos ni Marjorie ang kaniyang pahayag sa pagsasabing tinanggap na niya ang anumang klaseng pagmamahal na kayang ibigay ng kaniyang ina.

“Instead of looking for affection and protection from you, I will pour all of my energy into being the best mom to my children,” pahayag ni Marjorie. “I am not a perfect mom, but they can trust me,” she added.

Sa comment section ng post ni Marjorie, nag-iwan ng mga mensahe ng suporta ang kaniyang mga anak na sina Dani, Julia, at Leon Barretto.

"We will always love you and protect you! No matter what," ani Dani.

--Hermes Joy Tunac/FRJ GMA Integrated News