May nanalo na sa halos P185 milyong jackpot sa Superlotto 6/49 draw nitong Martes, November 11, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang lumabas na mga kombinasyon ng numero sa naturang draw ay 04-25-20-14-12-05, at may premyong P184,998,366.40.

Wala namang pinalad na manalo sa mga kasabay nitong draw na Ultra Lotto 6/58 at Lotto 6/42.

Ang winning combination sa Ultra Lotto ay 53-08-46-40-19-18, at may premyong P108,810,101.40.

Samantala, nasa P75,610,006.60 naman ang jackpot sa Lotto 6/42, na ang lumabas na mga numero ay 34-10-02-16-26-29.— FRJ GMA Integrated News