Isiniwalat ni Ellen Adarna na nagtaksil umano sa kaniya ang asawa niyang si Derek Ramsay.
Sa kaniyang Instagram Stories, ibinahagi ni Ellen ang screenshots ng umano’y palitan ng mensahe ni Derek sa isa pang babae.
May petsang February 13, 2021, ang mga mensahe, ilang araw lang matapos silang maging opisyal na maging couple noong February 4, 2021.
"I found out about it three weeks ago, this month only. May nagsumbong sa akin," saad ni Ellen sa isang video na ipinost niya sa Instagram Stories.
"As much as I want to reveal who this girl is, my lawyers advised me not to. I can get in trouble," dagdag niya. "But to clarify she is not an ex-girlfriend; she is, I think a side chick. I know this girl has always been there, they've been friends for decades, she's always been there."
Sinabi pa ni Ellen na may mga “resibo” pa siya, at simula pa lamang ito.
Sinusubukan pa ng GMA News Online na makuha ang panig ni Derek at kaagad itong ipo-post kapag mayroon na.
November 2021 nang magpakasal sina Derek at Ellen.
Taong 2024 nang magkaroon na sila ng isang anak na si Liana.
Ilan buwan na rin na may mga haka-haka sa social media na naghiwalay na ang dalawa, pero itinanggi ito ng aktor.—FRJ GMA Integrated News

