Inilahad ni Amanda Page na ang pagkakasangkot umano niya sa isang maselang video ang pinakamasakit na intriga na kaniyang pinagdaanan sa showbiz dahil hindi siya nabigyan ng pagkakataong magpaliwanag.
“Allegedly, I was in a sex video. I think that one was the most painful because I think ‘yun ‘yung pinaka-ano… because it almost as if... Like, schadenfreude (pagkatuwa sa kamalasan ng iba)... people want to believe the worst about someone,” sabi ni Amanda sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes.
Ayon kay Amanda, hindi siya nagkaroon noon ng pagkakataon na mabigyan ng linaw sa publiko ang isyu.
“And so, I felt like I wasn't even given an opportunity really because it's always like whatever's negative out there is what people will always believe,” patuloy niya.
Inilahad din ni Amanda na hindi niya nakikita noon na magtatagal siya sa showbiz sa gitna ng mayabong niyang karera noong 2001.
“Feeling ko, when I was in showbiz, that was never going to be my endgame. I always had a different endgame. The endgame was, I was not going to grow old in showbiz,” saad niya.
Para sa aktres, bahagi lamang ng yugto ng kaniyang buhay ang showbiz.
“I was not going to grow old in showbiz. I was not going to stay in showbiz. I always knew going into it that this was just a portion of my life and that I was going to move on,” patuloy niya.
Sa kabila nito, pinasalamatan ni Amanda ang tatlong tao na tumulong sa kaniya sa show business.
“First, obviously, Boss Vic [del Rosario] of Viva Films because he gave me my first break. Two, I would have to say Maribeth Bichara because she's been my mentor for so long and I got to do what I love because of her and have fun with what I'm doing,” sabi ni Amanda.
Ikatlo sa listahan ni Amanda ang namayapang Da King na si Fernando Poe Jr., na nakatambal niya sa pelikula.
“Third, I would have to say maybe Fernando Poe Jr. I think that I really enjoyed the time I had working with him and the break I got from, you know, just I got to work with him,” ani Amanda.—FRJ GMA Integrated News
