Isinama ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) sa List of Intangible Cultural Heritage (ICH) in Need of Urgent Safeguarding, ang daan-taon nang tradisyon ng Bohol sa paggawa ng asin-Tibuok. Alamin kung papaano ginagawa ang asin na ito na tila itlog, at bakit ito naiiba sa karaniwang asin na ating nakikita at ginagamit sa pagluto.

Kinikilala sa List of Intangible Cultural Heritage (ICH) in Need of Urgent Safeguarding ang mga “practices facing serious risk of disappearance,” ayon sa UN.

Inilarawan ng institusyon ang asin Tibuok ng Bohol bilang isang, “traditional sea salt made through a long and careful process originating from the Bohol Province. Its final product looks like a white egg inside a brown shell.”

“The practice of making artisanal sea salt is usually a family activity, and knowledge is passed down through hands-on learning, with children observing and helping their parents. Community groups have recently started to help document and protect the practice,” sabi pa ng UN.

“For the practising communities, asin tibuok is a key part of daily life and food traditions. It supports livelihoods and plays a central role in gatherings and celebrations,” dagdag nito.

Sa isang post sa social media, sinabi ng UNESCO–Philippine National Commission (UNACOM) na, “being placed on the Urgent Safeguarding List enables both international cooperation and support to communities to help ensure the tradition’s survival.”

“The designation is expected to boost efforts to sustain the practice, provide resources for local artisans, and strengthen awareness of Bohol’s cultural heritage,” dagdag ng UNACOM.

Sa nakaraang episode naman ng “Biyahe Ni Drew,” itinampok ang matiyagang paggawa ng asin Tibuok.

Iniipon muna ang mga coconut husk o bunot na galing sa niyog para lagyan ng tubig alat na galing sa dagat, at saka ibibilad ng ilang linggo hanggang sa matuyo at tumigas.

Matapos nito, pauusukan ang mga ito hanggang maging salt rocks na hahanguin mula sa pinabagang mga bunot ng niyog.

Ayon naman sa isang nagpoproseso ng asin tibu-ok, umaabot ito ng tatlong araw at dalawang gabi.

Iniiwasang lumabas ang apoy sa pagpapausok, at kung lumabas man ito, bubuhusan ito ng tubig-dagat.

Hinahayaan lamang na nakasipsip ang tubig-dagat mula sa looban. Kapag naubos na ang lahat ng kahoy panggatong mula sa ilalim, lalabas na ang stone ash.

Ilalagay na ang mga stone ash sa tatlong antas ng sea salt filter para lusawin muli at maging tubig muli.

Ang nasalang tubig-dagat ang mga lulutuin muli sa mga paso hanggang maging asin na tila hugis-itlog.

May kaibahan kaya ang lasa ng tibuok sa ordinaryong asin? Panoorin ang buong kuwento sa video. – FRJ GMA Integrated News