Ang Kapuso Sparkle artist na si Roxie Smith ang magiging pambato ng Baguio City para sa Miss Universe Philippines 2026.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabi ni Roxie na masaya ang kaniyang pakiramdam na muling makabalik sa mundo ng pageantry.
Sa Instagram ni Roxie, binati siya ng kaniyang friends at fans, kasama na sina Shuvee Etrata at Ashley Ortega na kaniyang Sparkle besties.
Ayon kay Roxie, “dream come true” para sa kaniya ang makarampa sa Miss Universe Philippines stage.
Umamin siyang nag-alinlangan siya sa pagsali sa pageant pero na-push ito sa tulong ng kaniyang supporters.
Looking forward si Roxie sa kompetisyon at gawin itong platform para sa kaniyang advocacies.
“Through this platform, I would be able to connect to more women and maybe I could convince them to go for their dreams,” ani Roxie.
Nagsimula si Roxie sa kaniyang showbiz career nang maging bahagi siya ng Sparkada noong 2022.
Napanood na rin siya sa "Hearts on Ice," "Black Rider," at "Shining Inheritance."
--Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News
