Ikinuwento ni Ashley Ortega na minsan siyang nakipag-date sa isang lalaking mas matanda sa kaniya at hindi niya inasaahan na may anak na pala. Kaya naman napaisip umano siya kung naging “kabit” ba siya?
“Mayroon akong dinate na guy, 10 years older than me. Tapos, parang two months, three months na kami nagde-date. Tapos nalaman ko, may anak pala,” pagbabahagi ni Ashley sa teaser ng upcoming episode ng “Your Honor” na siya ang guest.
“‘Oh my gosh! Kabit ba ako? May asawa ka ba?’” sabi ni Ashley, na nagduda sa kaniyang naka-date noon.
Para sa upcoming episode, ibinahagi rin ni Ashley kung paano nagsimula ang love story nila ni Mavy Legaspi.
“Actually Mavy is something new eh. Kasi mas bata siya sa akin,” sabi niya.
Ikinuwento rin niya ang reaksyon ni Mavy noon nang sabihan niya rito ng “baby boy.”
“Nililigawan niya ako, sinasabi ko talaga, ‘Oh my God, baby boy lang tingin ko sa'yo.’ Nagagalit siya, ‘Oh my gosh. How dare you say that to me?’” kuwento pa ni Ashley.
Kalaunan, natuklasan ni Ashley ang kaibahan ni Mavy.
“‘Pag mas younger, mas maalaga kasi. Si Mavi, tutok talaga sa akin 24/7,” sabi pa niya.
Tunghayan ang usaping adulting kasama si Ashley sa upcoming episode ng Your Honor sa Youtube sa darating na Sabado. – Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News
