Mahigit 1,000 Pilipino na ang humiling ng repatriation sa gitna ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Middle East, ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Martes.

''So, as of early this morning, sampu ang gustong magpa-repatriate from Iran. Ang pinakamarami from Israel - 297, 22 from Jordan, 231 from Bahrain, 586 from Dubai, 270 from Abu Dhabi,'' sabi ni Marcos sa isang Palace briefing.

''Altogether that's 1,416 Filipino nationals who would like – who have requested repatriation,'' dagdag niya.

Gayunman, aminado si Marcos na nananatiling hamon ang proseso ng repatriation dahil karamihan sa mga paliparan sa Gitnang Silangan ay hindi lubos na operational.

''We have heard reports of attacks on different airports around the region, generally by – this is by Iran. ‘Yung mga tumulong sa Amerika at ‘yung mga tumulong – ‘yung mga bansa na tumulong sa Amerika ay inaatake ngayon ng Iran as retaliatory strikes,'' paliwanag ni Marcos.

''Kaya’t very fluid ang situation. Ang assessment namin is delikado siguro magpalipad. Kahit na kaya nating kumuha ng eroplano at ipasok, wala tayong magagawa dahil number one, the airports are closed. They are all no-fly zones. This is a combat area,'' dagdag niya.

Ayon pa kay Marcos, delikado rin ang pagbiyahe sa lupa dahil sa posibilidad ng friendly fire incidents.

''Ngayon, by land, mayroong mga option na nagsasabing by land. ‘Yun din ay delikado din dahil kung magkaroon ng friendly fire incident – alam ninyo pagka may putukan, it is an active combat zone, ‘pag nakakita ka ng maraming sasakyan, eh baka bombahin ‘yun because they will misidentify it as some – a hostile movement,'' ayon sa pangulo.

''So, that is also dangerous. Although that will be the best option that we will have in the immediate future dahil nga kinakatakutan pa natin ‘yung pagpalipad,'' patuloy niya.

Kaya payo ni Marcos sa mga Pinoy sa Isarael at iba pang bansa, ''just stay put and be safe.''

''And we will slowly try to find ways for those who want to be repatriated, we will find ways to get you out safely,'' pangako niya.

Ang nagpapatuloy na sigalot at paglala ng mga pag-atake ng Estados Unidos at Israel laban sa Iran ay

Malaking alalahanin para sa Pilipinas ang sigalot sa Middle East bunga ng labanan ng US at Israel kontra sa Iran, dahil mayroong mahigit 2.4 milyong Pilipino ang naninirahan at nagtatrabaho sa rehiyon.— Anna Felicia Bajo GMA Integrated News