Sa harap ng kaniyang pagiging masayahin, ibinahagi ni Ashley Rivera ang matapang na pakikipaglaban sa cancer ng kaniyang mahal na ina.

Sa isang Instagram Reel, ibinahagi ng komedyanteng kilala rin bilang Petra Mahalimuyak ang isang video na sinusubukan niyang patawanin ang kaniyang ina.

Gamit ang isang maliit na megaphone, kinantahan ni Ashley ng “You Are My Sunshine” ang kaniyang ina na nakahiga sa hospital bed. Ngunit kalaunan ay napaiyak na siya.

“Please don’t take my sunshine away,” saad ni Ashley sa kaniyang caption.

"I wish this was just an April Fool's post but this is my reality now," dagdag niya.

Saad pa ni Ashley sa video post, "Tell your parents how much you love them while you still can."

Nagpasalamat din si Ashley sa lahat para sa mga panalangin at pagmamahal.

"My mama bear is a fighter!" saad ni Ashley.

 

 

Nika Roque/FRJ GMA News