Sa harap ng mga espekulasyon sa social media na may malubhang karamdaman, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand ''Bongbong'' Marcos Jr. ang ika-84th anibersaryo ng Araw ng Kagitingan sa Mt. Samat National Shrine sa Pilar, Bataan ngayong Huwebes. Nauna nang tinawag ng Malacanang na “fake news” na may sakit ang Punong Ehekutibo.
BASAHIN: Marcos, tiniyak na maayos ang kalusugan niya: 'Ayoko na tumaba ulit'
Sa kaniyang talumpati, muling tiniyak ni Marcos Jr. ang pangako ng pamahalaan na gagawin ang lahat ng hakbang upang maibsan ang pasanin ng mga Pilipino dahil sa epekto ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.
''Today’s challenges may not mirror those of yesterday, but they test us in much the same way. Among these is the enduring geopolitical tension that we are observing in the Middle East,'' saad ng pangulo.
''While we may stand far from the centers of conflict, we are not untouched by its consequences. Fuel prices weigh heavily on Filipino families, those who already have the least having been subjected the most to this scourge,'' dagdag niya.
Sabi pa ng pangulo, ''In moments like these, the government will do everything that is possible to cushion the impact and safeguard the welfare of our people.''
Nanawagan din si Marcos ng pagkakaisa sa gitna ng mga hamon ng panahon, at binigyang-diin na dapat kilalanin ng bawat isa ang pangangailangan ng kapuwa.
''Sa panahon ng matitinding pagsubok, tulad ng nangyayari ngayon, kailangan nating balikan ang isang mahalagang bahagi ng katangian ng bilang Pilipino—ang pakikipagkapwa. Dapat nating kilalanin na ang bawat isa ay may parehong pangangailangan, may parehong pangarap, at may parehong pinagdaraanan,'' ayon kay Marcos.
Inihayag din ng Pangulo na bahagi lamang ng kabuuan ang pamamahala, at "shared responsibility" ang pagbuo ng bansa.
''But for this collective responsibility to succeed, it must be grounded in integrity, in courage, and in love for country,'' ayon kay Marcos.
Parangal suporta sa mga beterano
Kasabay nito, kinilala ni Marcos ang mga bayani ng World War 11, at ang ginawa nilang sakripisyo na magsisilbing paalala sa matibay na diwa ng katatagan at pagkakaisa ng bansa sa gitna ng mga pagsubok.
“We gather here today to remember those who stood firm in the face of overwhelming adversity, as well as to reaffirm the values that they lived and that they died for—the values of courage, of dignity, and an unyielding love of country,'' ayon sa pangulo.
“The heroes of Bataan gave their all so that we, and the generations that follow, may inherit a nation that is free, sovereign, and worthy of their sacrifice. Their story reminds us that the fight for freedom knows no borders—and that solidarity, even in the darkest of times, is a force that binds humanity together,” dagdag niya.
Muli rin niyang tiniyak ang suporta ng pamahalaan sa mga beterano sa pamamagitan ng pangangalaga na nararapat sa kanila.
Kabilang sa mga inisyatiba ng pamahalaan ang mas pinaigting na koordinasyon sa Philippine Veterans Affairs Office upang magtayo ng mga ospital para sa mga beterano sa Visayas at Mindanao, gayundin ang pagbibigay ng separation benefits para sa mga sundalong nagkaroon ng ganap at permanenteng kapansanan habang nasa tungkulin, na naaayon sa kanilang mga sakripisyo
''We provide available and efficient healthcare services for our veterans, we established the Veterans Access to Lifetime Optimized Healthcare, or VALOR Clinic. We have continuously implemented several programs,'' sabi ni Marcos.
Ayon sa Pangulo, noong nakaraang taon, mahigit 2,630 beterano at kanilang mga dependents ang nakinabang sa mga serbisyo sa ilalim ng Veterans Hospitalization and Medical Care Program. — Anna Felicia Bajo/FRJ GMA News

