Inilahad ni Divine Tetay, impersonator ni Kris Aquino, ang kaniyang galak sa pagbabalik-telebisyon ng Queen of All Media. Binalikan din ng komedyante ang kanilang pagkikita ng kaniyang idolo.
“She's very pleasant, she's very nice. And I'm happy that she's getting a lot better now. We missed her so much. Nobody does it like her,” sabi ni Divine sa nakaraan niyang guesting sa “Your Honor!”
Kuwento ni Divine, unang beses silang nagkita noon ni Kris sa isang game show.
“Ang host doon, 'di ba binabasa nila 'yung profile ng players. Dumating na siya sa akin, ‘It says here na ginagaya mo ako. It's okay, just don't make fun of my kids, magagalit ako.’ Sabi ko, ‘Okay po, ma'am,” kuwento ni Tetay habang ginagaya ang boses at galaw ng ulo ng kaniyang idolo.
Sa pangalawa nilang pagtatagpo, pabirong ikinuwento ni Tetay inutusan umano siya ni Kris.
“Second time, she didn't forget my name. Sabi niya, ‘Tetay, right?’ ‘Yes, Miss Kris.’ ‘Ikuha mo naman ako ng tubig. ‘Yes, ma'am,’” sabay tawa ng komedyante.
Ayon sa host, aprubado umano ni Kris ang panggagaya sa kaniya ni Tetay.
“Well, if that's the case, I would be so happy talaga. That's really flattering,” sabi ni Tetay na ginagaya ang boses ni Kris.
Matatandaang inilabas ng Netflix ang pinakabagong kampanya nito na si Kris ang magiging Chief head ng C.H.I.K.A. o Insights and Content Analysis.
https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/chikamuna/997735/kris-aquino-mapapanood-sa-netflix-bilang-c-h-i-k-a-chief-head/story/
Sa isang video na inilabas nitong Biyernes, umupo ang Queen of All Media sa editing room para sa unang araw niya sa trabaho.
Nagbigay siya ng kaniyang tapat na mga komento sa mga lokal na palabas ngayong buwan, kabilang na ang "The Master Cutter" ng GMA.
Ilang taon na pagpapagamot at pagpapagaling si Kris sa kaniyang mga karamdaman, o siyam na autoimmune diseases. – FRJ GMA News
