Napa-"AHA"-mazing ang Kapuso host na si Drew Arellano nang makita ang mga kayang gawin sa ilalim ng dagat ng five-year-old Labrador dog na si Sheldon. 

One-year-old daw nang mapansin ng nag-aalaga kay Sheldon na si Danny, na mahilig sa tubig ang kaniyang aso.

Sa simula ay nakikilangoy lang daw muna si Sheldon at nagulat siya nang bigla itong sumisisid nang minsang nagda-diving siya.

"Minsan nag-dive kami dito, sumunod siya. Tapos kinakagat niya yung tangke ko sa likod, nagulat ako, 'ano 'yon? Pagtingin ko si Sheldon, hinahatak ako. Tingin ko, akala niya siguro nalulunod ako," kuwento ni Danny.

Ngayon, aabot na umano hanggang sa nine feet ang lalim nang kaniyang sisirin ni Sheldon, at kaya niyang tumagal sa ilalim ng tubig ng hanggang 30 minuto.

Panoorin ang episode ng "AHA!" at maaliw sa pambirang galing ni Sheldon:

Click here for more of News Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA News