Dahil sa pagiging busy umano sa paggamit ng cellphone habang nagpapatakbo ng motorsiklo, isang lalaki ang nahulog sa malaking hukay sa isang kalsada sa China.
Sa ulat ng GMA News "Balitanghali" nitong Biyernes, sinabing biglang gumuho ang malaking bahagi ng kalsadang sa Beihai City sa hindi pa malamang dahilan.
Lumikha ng dalawang metrong lalim na uka ang pagguho sa kalsada.
Pero ang lalaking rider, hindi napansin ang gumuhong kalsada dahil gumagamit ng cellphone kaya tuloy-tuloy siyang nalaglag sa butas.
Mapalad naman na hindi nagtamo ng malalang pinsala ang rider.
Kaagad na kinordonan ng mga awtoridad ang lugar habang inaalam kung ano ang naging sanhi ng pagguho. -- FRJ, GMA News

