Ipinakita sa programang "Kapuso Mo, Jessica Soho" ng isang lalaki sa Hilongos, Leyte ang pambihira niyang talento na kaya raw makipag-usap sa mga ahas. Totoo nga kaya ito?
Pero maliban sa kaya raw ni Mang Danny na magpaamo ng cobra, kaya rin daw niyang manggamot ng mga nakagat ng aso at ahas.
Ang mga eksperto, may paliwanag kung bakit posibleng hindi tinutuklaw ng ahas si Mang Danny. Iginiit din nila na dapat sa duktor ipatingin ang mga nakakagat ng ahas at iba pang hayop para makaiwas sa kamandag at rabies.
Pero papaano nga ba nakuha ni Mang Danny ang sinasabi niyang kakayahan na magpaamo ng ahas? At ano naman ang masasabi ng mga eksperto tungkol sa kaniyang natatanging talento.
Panoorin ang ginawang pagtutok na ito ng "KMJS." Pero paalala lang po, huwag gagayahin ang stunts na ipinakita ni Mang Danny sa video na ito:
Click here for more GMA Public Affairs videos:
-- FRJ, GMA News
