Kung maaanghang na salita ang bangayan ng mga mambabatas sa Pilipinas, sa Kiev, Ukraine, isang miyembro ng kanilang Regional Council ang na-knockout matapos smagsuntukan ang kanilang mga mambabatas.
Sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Biyernes, sinabing nagsimula ang mainit na diskusyon ng mga mambabatas nang ianunsyo ng kanilang chairperson ang botohan para sa agenda ng kanilang sesyon kabilang ang tungkol sa budget.
Umakyat ang isa sa mga katunggaling deputado sa podium na pinapatigil ng chairperson at inaagawan ng mikropono.
Sumaklolo naman sa chairperson ang isa niyang kaalyado pero siya ang nasuntok. Sa lakas ng suntok, bumagsak ang mambabatas at napahiga sa taas ng poduim.
Nagtamo siya ng pinsala sa ilong at panga at kinailangang dalhin sa ospital. (Mga larawan, screengrab mula sa Balitanghali).-- FRJ, GMA News


