Dahil miyembro ng pamilya ang turing ng isang pamilya sa Bangued, Abra  sa kaniyang asong namatay, ibinurol nila ito at inilibing na parang tao.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Lunes, sinabing namatay ang asong si "Kevin Love," may lahing golden retriever, matapos na mabiktima ng hit-and-run ng jeep noong nakaraang linggo.

BASAHIN: Gastos sa burol ng pumanaw na alagang hayop sa Japan, hindi biro

Dahil miyembro na ng pamilya ang turing ng mag-asawang duktor na sina Joeneth Semanero at Arnel Javier Jr, ang halos dalawang taon pa lang na si Kevin Love, ibinurol nila ito na parang tao at inilibing sa sementeryo pagkaraan ng ilang araw.

Hanggang sa huling sandali, ipinadama ng mga amo ang kanilang pagmamahal sa namayapang aso sa maayos na lugar na pinaglibingan ng hayop. -- FRJ, GMA News