Isang patay na pawikan ang napadpad sa dalampasigan sa Isla Sta. Rita sa bayan ng Del Gallego sa Camarines Sur, umaga nitong Huwebes.

Nakita ng mga residente ang pawikan na kinakain na ng aso. Nakita din nila na punong-puno ng plastik and bibig nito at bumara hanggang sa lalamunan ng hayop.

Hinala nila, ang mga plastik ang dahilan ng pagkamatay nito.

Ayon sa mga marine biologist, paboritong kainin ng mga pawikan ang mga jellyfish.

At napagkakamalan daw ng mga pawikan na jelly fish ang mga basurang plastik sa dagat kaya kinakain nila ito.

Inilibing na lamang ng mga taga-isla ang pawikan. Ayon sa kanila, hindi ito ang unang pagkakataon na may endangered marine life na natagpuang patay sa mga dalampasigan sa bansa ng dahil sa mga basurang plastik. —Peewee Bacuño/LBG, GMA News