Malapit na ang summer at maraming Pinoy ang nag-iisip na kung saan nila gustong magpasyal kasama ang pamilya at mga kaibigan.
Itong Linggo ng gabi, tampok sa "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang mga lugar na hindi pa napupuntahan ng maraming Pinoy na bukod sa maganda ay abot-kaya pa.
Sa "Love, Philippines" travel special ng "KMJS," tampok ang natural na kagandahan ng buong Pilipinas.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay ipapakita sa telebisyon ang ilang kabigha-bighaning mga pasyalan mula Luzon hanggang Mindanao.
Mapapanood ang Kapuso Mo, Jessica Soho Travel Special sa Linggo ng gabi pagkatapos ng All-Star Videoke. —Jamil Santos/ALG, GMA News


_2018_03_03_21_50_22.jpg)


