Viral ngayon sa social media ang isang batang babae na tila may pag-head bang pa habang pinatutugtog ang kaniyang ukulele sa Naga City, Cebu.

Sa Unang Balita nitong Miyerkoles, makikita sa kuha ng YouScooper na si Bernard Elpa na bigay-todo ang bata sa kaniyang performance, lalo na sa pag-strum ng instrumento.

Tuwang-tuwa naman ang mga manonood na mga nagbigay ng pera sa bata pagkatapos ng kaniyang performance, ayon sa nag-upload.

Mahigit apat na milyong views na sa social media ang video. —Jamil Santos/LBG, GMA News