Sinusubukan sa paaralang pang-elementarya sa Finland ang paggamit ng robot na si “Elias” bilang bagong language teacher. Hindi raw kasi tulad ng tao, walang hangganan ang pasensiya ng robot at hindi mapapahiya ang estudyante na magtanong. Bukod diyan kaya pa nitong magsayaw ng “Gangnam Style.”
Sa ulat ng Ruters, sinabing si “Elias” ay isa lang sa apat na robot na ginagamit sa pilot program sa ilang paaralan sa Tampere. Mayroon din robot na nagtuturo naman ng matematika.
Nakakaunawa at nakakapagsalita ng 23 lengguwahe si Elias, na mayroon ding software para maintindihan ang pangangailangan ng mga estudyante at hikayatin silang mag-aral.
Kaya umanong malaman ng robot ang abilidad ng estudyante kaya nakakapag-adjust ito ng mga katanungan sa bata. Matapos nito, maaaring magbigay ng ulat ang robot sa tunay na guro tungkol sa posibleng problema ng bata.
Ang ilang tunay na guro, positibo ang pagtingin sa mga robot na guro.
“I think in the new curriculum the main idea is to get the kids involved and get them motivated and make them active. I see Elias as one of the tools to get different kinds of practice and different kinds of activities into the classroom,” sabi ng language teacher na si Riikka Kolunsarka.
“In that sense I think robots and coding the robots and working with them is definitely something that is according to the new curriculum and something that we teachers need to be open minded about,” dagdag niya.
Kaya rin magbigay ng kasiyahan ng robot sa mga mag-aaral dahil kaya niyang magsayaw ng “Gangnam Style.”
“Well, it is fun, interesting and exciting and I’m a bit shocked,” sabi ng estudyanteng si Abisha Jinia.
Gayunman, may estudyante na nais pa rin na may tunay na guro silang kasama para masubaybayan umano ang ugali ng mga mag-aaral.—Reuters/FRJ,GMA News
