Laking tuwa ng mga residente sa isang barangay sa Ligao, Albay dahil kusang lumapit sa kanila ang daan-daang taningue na napadpad sa baybayin.

Sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Lunes, sinabing  walang hirap na hinuli ng mga residente at mangingisda ang daan-daang tanigue ang nagsulputan sa baybayin ng Barangay Catburawan sa Ligao.

Ito na umano ang ikalimang pagkakataon na kusang lumalapit sa baybayin ang mga isda na pinaniniwalaan nilang dulot ng mas mahigpit na kampanya ng lokal na pamahalaan laban sa iligal na pangingisda.

Samantala sa Cabadbaran City, Agusan del Norte naman, nag-viral ang video sa pagdami ng mga isda sa isang dike.

Dahil dito, kani-kanilang huli rin ang mga residente na inilalagay nila sa mga supot at palanggana.

Hindi umano alam ng mga residente kung bakit biglang naglitawan ang mga isda. -- FRJ, GMA News