Nag-viral sa social media ang bagong gawa na kalsada sa Bulacan dahil nasa gitna nito ang ilang poste ng kuryente.

Sa ulat ni Jonathan Andal sa "Dobol B sa News TV," ang kalsada ay nasa Barangay Balatong B sa bayan ng Pulilan.

May road-widening project umano sa naturang kalsada kaya nahagip ang ilang poste ng Meralco sa pinalapad na daan.

Sa huling balita, inalis na ng Meralco ang mga nakaharang na lumang poste ng kuryente, ayon kay Jonathan Andal ng Super Radyo dzBB.

—LBG/KBK, GMA News