Nagkarerahan sa paggapang ang mga sanggol na nakabihis Santa Claus sa isang mall sa Pampanga, ayon sa ulat ng "Unang Balita" nitong Lunes.

Nasa 13 na sanggol ang lumahok sa karera, ayon sa ulat.

May mga sanggol na dire-ditretso lang ang paggapang hanggang makarating sa dulo. May mga sanggol naman na umpisa pa lang ng karera ay ayaw nang umusad. Samantala ang iba naman ay tumigil na lang sa gitna.

Edad pito hanggang 10 buwan ang mga lumahok na sanggol. —Joviland Rita/ LDF, GMA News