Patok sa social media ang paandar ng isang biker na nagsuot ng Spiderman costume sa Valenzuela City.

Sa ulat sa GMA "24 Oras Weekend" nitong Linggo, makikita ang viral video ni "biking Spiderman" na nakasuot pa ng backpack habang abala sa pagpadyak sa isang highway.

Mabilis siyang kumaway at sumenyas ng "peace" at "thumbs up" sa camera.

Biro ng uploader ng video, baka raw naubusan ng sapot si Spiderman kaya sa halip na maglambitin sa mga gusali ay nagbisikleta na lang. — Dona Magsino/BM, GMA News