Ginagigiliwan sa South Africa ang baboy na tinawag na si "Pig-casso" dahil sa kaniyang talento sa pagpipinta.

 


Gamit ang kaniyang bibig, kinakagat niya ang brush na inilagay sa pintura at saka siya gagawa ng mga guhit.

Katunayan, isang sikat na brand ng wristwatch na ang nakipag-partner kay Pig-casso para gamitin ang kaniyang obra sa kanilang relo, ayon sa ulat ng Reuters.

 


Naibebenta raw ang mga obra ng baboy ng halos $4,000, at ang kita ay napupunta sa animal welfare fund.

Biik pa noon si Pig-casso nang dalhin siya sa isang animal sanctuary sa Franschhoek noong 2016.

Mula noon, napansin daw ng nag-aalaga sa baboy na tila mahilig ito sa kulay at paint brush.

“Pigs are very smart animals and so when I brought Pigcasso here to the barn, I thought how do I keep her entertained?” sabi ni Joanne Lefson, na namamahala sa Farm Sanctuary SA.

“We threw in some soccer balls, rugby balls and of course there were some paintbrushes lying around because the barn was newly build ... She basically ate or destroyed everything except these paintbrushes ... she loved them so much,” dagdag ni Lefson. -- Reuters/FRJ, GMA News