May kasabihan na kapag mayroong usok, may apoy. Pero ang usok at apoy sa isang tambakan ng basura sa Tiaong, Quezon, nakabuo raw ng imahe ng mukha ni Hesukristo. Isa nga kaya itong himala? Panoorin ang video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."

Mula nang mapansin ng mga tao ang naturang imahen noong nakaraang Disyembre, may mga nagtutungo na raw sa lugar para magtirik ng kandila at magdasal.

Ipinagtataka raw daw ng mga tao na hindi ito nabura kahit pa nabasa ng ulan. Pero kung ang mga eksperto ang tatanungin, posibleng gawa ng imahinasyon ang nabubuong imahe.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News