Likas daw na mapormang magbihis si Jerlyn. Katunayan, sumasali siya sa mga modeling event at pangarap din niyang maging artista. Pero ang kaniyang hitsura noon, malayong-malayo na sa hitsura niya ngayon dahil sa isang malagim na aksidente na sumira sa kaniyang mukha.
Sa panayam ng programang "Kapuso Mo, Jessica Soho," ikinuwento niya na bago maganap ang trahediya, nagkaroon daw siya ng mga pangitain na sa tingin niya ay maaaaring naglitas sa kaniya sa kapahamakan kung hindi niya basta binalewala.
Panoorin ang kaniyang kuwento at iba pa umanong tila premonisyon ng ilan niyang kaibigan.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News
