Kaiba sa kaniyang mga kapwa bilanggo, kumikinang na tila binabalutan ng yelo ang isang lalaki sa kaniyang litrato na kinunan ng pulisya sa Mandaue City sa Cebu. Ayon sa preso, gawa ito ng kuryente mula sa mga espiritung kaniyang nakikita sa kulungan.
Sa programang "Kapuso Mo, Jessica Soho," inamin ni Balong na mayroon siyang third eye, na nagsimula pa noong bata siya.
Habang nasa selda, nakakita daw si Balong na taong nagbigti, na siyang dahilan ng malakas na current.
Bukod dito, nakakita pa siya ng isang bata at tatlong lalaki na katabi niyang nakahiga.
Mariin namang itinanggi ng mga pulis na kumuha ng mugshot ni Balong na in-edit nila ang larawan.
Panoorin ang iba't ibang paliwanag ng mga eksperto hinggil sa pagkinang ni Balong sa loob ng selda, tulad ng "bioelectricity."
— LA, GMA News
