Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa mga uka sa daan na sinasabing bakas ng paa sa isang barangay sa Zamboanga City. Pero ang kanilang ipinagtataka, papaano magkakaroon ng bakas sa naturang kalsada gayung 30 taon na itong sementado. Kaya ang ilang residente, naniniwalang may milagrong nangyari sa kanilang lugar.

May misteryo nga bang naganap sa mga pinaniniwalaang bakas ng paa o kayang ipaliwag ng isang civil engineer kung ano ang nangyari sa sementadong kalye? Panoorin ang video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News