Pangil kontra sa ngipin ang nangyari sa isang lalaki at isang ahas sa India. Nang tuklawin ng ahas ang lalaking nasa bahay, gumanti naman ang tao at pinagkakagat ang hayop hanggang sa mamatay.
Sa ulat ng Reuters, sinabi ng ama ng biktimang si Raj Kumar, na nagpapahinga ang kaniyang anak sa bahay nito sa Uttar Pradesh at umiinon ng alak nang tuklawin ng isang rat snake.
“A snake bit him. So, in turn, he bit it and chewed it into pieces,” ayon sa amang si Babu Ram.
Dinala naman sa ospital si Raj, na kritikal umano ang lagay.
“This is definitely weird,” ayon sa duktor na tumingin sa biktima.
“I’ve seen people coming in with snakebites, but never somebody who bit a snake and then brought it with him in a bag,” dagdag nito.-- Reuters/FRJ, GMA News
