"All troops deployed!"

Pamilyar ang katagang ito para sa mga manlalaro ng sikat na game na Mobile Legends. Pero totoo nga ba ang balita na taga-Cebu raw ang boses nito?

Nakilala ng Kapuso Mo, Jessica Soho team sa Cebu City si Mika, kasama ang mga ka-team niyang sina Jonas at Daryl, na nag-viral matapos ang kanilang video ng kanilang ML voiceover.

Pero si Mika nga ba ang boses? Alamin sa video ng KMJS. —JST, GMA News