Nababalot ngayon ng takot ang mga taga-La Castellana, Negros Occidental dahil sa umano'y pag-atake ng malaking hayop na mukhang unggoy na kung tawagin nila ay "Amomonggo." Ito kaya ang bersyon ng Pilipinas ng sinasabing mailap na "Bigfoot" sa Amerika?

Batay sa paglalarawan ng ilang nakakita sa umano'y "Amomonggo,"  mas mataas pa umano ito sa tao, mabalahibo, mukhang unggoy, mapula ang mata at matulis ang mga kuko. Katunayan, isang security guard daw ang nagawang mabaril ang Amomonggo pero nakaligtas pa rin ang misteryosong hayop.

Gaano kaya katotoo ang kuwento tungkol sa Amomonggo? Tunghayan ang istoryang ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."


Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

--FRJ, GMA News