Tatlong magsasaka sa Mindoro ang posibleng biglang magbago ang buhay at maging milyonaryo kung magkakatotoo ang kanilang hinala na bulalakaw ang bato na kanilang napulot.
Sinamahan ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang tatlo na ipasuri sa mga eksperto ang bato upang alamin kung bulalakaw nga ito. Kabilang daw sa mga palatandaan kung bulalakaw ang isang bato ay kapag dumikit dito ang magnet at kung mataas ang iron content.
Alamin sa video na ito ang resulta ng pagsusuri at pagkagulat nila nang biglang dumakit nga ang magnet sa bato. Bulalakaw na nga ba ang bato at totoo nga kayang milyon-milyon ang halaga nito? Panoorin.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News
