Mataas, nakatatakot ang hitsura, at malangis ang katawan. Ganito inilarawan ng ilang tao sa Sultan Kudarat sa Maguindanao ang kakaibang nilalang na tinatawag na "banutok," na kumakatakot umano sa mga bahay at nang-aatake ng tao.

Lalo pang lumakas ang paniwala ng mga tao sa umano'y kakaibang nilalang nang may kumalat na larawan sa social media tungkol sa pinaniniwalaang "banutok."

Dahil sa peligro, sinasabihan ang mga residente na huwag pagbubuksan kung may kakatok sa kanilang mga bahay magmula 6:00 pm hanggang 3:00 am. Pero ang pulisya, duda sa kuwento ng banutok at may suspetsa sila kung ano ang posibleng nasa likod ng kuwentong katatakutan.

Tunghayan ang kuwento ng umano'y "banutok" sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," at alamin kung ano ang kanilang mahuhuli-cam matapos silang maglakas ng mga CCTV sa ilang kabahayan. Panoorin.

Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

--FRJ, GMA News