Sinuri at nakumpirmang ginto talaga ang maliliit na bilog na butil na napupulot ng ilang residente sa isla ng Napalisan, Samar. Pero kahit batid na ng mga tao na ginto talaga ang napulot nila, atubili naman silang ibenta ito dahil sa paniwalang may taglay itong sumpa.

Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," sinasabing may nasasawing miyembro ng pamilya o nagkakaroon ng sakit ang sinumang nagbebenta ng napulot nilang ginto na pinaniniwalaan nilang nanggagaling sa mahiwagang lugar na kung tawagin nila ay "Lost City of Biringan."

Pero gaano nga ba katotoo ang sinasabing sumpa at saan kaya talaga nanggagaling ang mga maliliit na piraso ng ginto? Matunton kaya ng "KMJS" ang sinasabing "Lost City of Biringan?" Panoorin ang video na ito.


 

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News