Sa gitna ng pangamba ngayon ng mundo sa coronavirus disease (COVID-19), may isang samahan sa Agusan del Sur na nagsasabing hindi raw sila tatablan ng kahit anong virus dahil pinoprotektahan at pinapalakas sila ng "banal na espiritu."
Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" nitong Linggo, pinuntahan sa isang kabundukan sa Agusan del Sur ang samahan na tinatawag na Zion of God, na pinamumunuan ng isang dating guro at sinasabing kayang labanan ang mga virus.
Sa kabundukan na tinatawag na Mt. Zion, pawang kasuotang puti lang ang pinapayagan at mayroon silang watawat ng Israel, ang itinuturing “Holy Land,” batay sa Bibliya.
“Ang Mindanao is the promise land. It is written. Sabi ni Lord, pinili niya ang Mindanao dahil mahal niya ang Mindanao and the Philippines,” lahad ni Nieva Plaza, pastora sa Zion of God.
Wala umanong pinipili ang grupo sa sinumang nais umanib sa kanilang samahan.
Tunghayan sa video na ito ng "KMJS" ang paliwanag ni Nieva kung bakit hindi umano tatablan ng virus.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News
