Sa murang edad, tumutulong na sa paggawa at pagbebenta ng lumpiang toge ang isang 10-anyos na batang lalaki sa Ramos, Tarlac para matulungan ang kaniyang ina na may problema sa paningin.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkoles, sinabing Grade 4 na sana sa pasukan si Benjamin Corpuz.

Suot ang face mask, si Benjamin na rin mismo ang nagtitinda ng lumpia sa kanilang lugar. 

Sinimulan daw ng bata na gawin ito sa kaniyang paaralan noong nasa Grade 1 pa lamang siya.

Pangarap ni Benjamin na maging isang sundalo, at patuloy siyang kumakayod kahit mahirap ang buhay para makatapos ng pag-aaral. --Jamil Santos/FRJ, GMA News