Kilabot umano ang inabot ng isang ina sa Daet, Camarines Norte nang mapanood niya ang Tiktok video ng kaniyang anak na may lumitaw umanong "black lady."

Sa "Kapuso Mo Jessica Soho," sinabi ng inang si Beverly na hindi raw ito ang unang pagkakataon na napag-usapan sa kanilang lugar ang babaeng nakaitim dahil nakita rin daw ito ng ibang nakatira sa kanila.

Sa kalagitnaan naman ng panayam sa bata, bigla siyang tumigil dahil nandoon daw ang black lady at itinuro pa niya ang puwesto nito habang nakatingin umano sa kanila.

May kababalaghan nga kaya sa naturang Tiktok video at sa sinasabing black lady?

Alamin ang pahayag ng isang video expert at pinaimbestigahan din sa isag mystic researcher ang lugar. Panoorin.

 

--FRJ, GMA News