Patay na at wakwak ang likuran nang matagpuan ng isang senior citizen ang kaniyang mga alagang pato sa San Fernando, Camarines Sur.

Ayon sa ulat ng GMA News TV "Quick Response Team" nitong Miyerkules, labis na nalungkot si Rudy Oropesa,75-anyos, sa nangyari sa walong pato na kaniyang alaga lalo na't nag-iisa na lang siya sa buhay.

Palaisipan pa sa kaniya at sa kaniyang mga kapitbahay kung sino o ano ang pumatay sa kaniyang mga pato.--FRJ, GMA News