Nadiskubre ng mga awtoridad ang abot sa 137 paso na may tanim na 'high grade' marijuana sa Taguig City.

Ayon kay Luisito Santos ng Super Radyo dzBB, sinabing nadiskubre ang mga marijuana sa isang unit ng condominium sa Acacia Estate, Barangay Ususan sa nasabing lungsod.

Dalawa umano ang naaresto sa operasyon kabilang ang isang retiradong miyembro ng US Air Force.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad. --FRJ, GMA News