Patok sa netizens ang isang ginang na mala-piyestang sinalubong ng kaniyang pamilya sa pagdating niya galing mag-grocery.

Sa video ni Marco Cantor, na mapapanood sa GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkoles, makikita na kumpleto sa mic, speaker at music ang pagsalubong kay Pinkie Cantor.

Kuwento ni Marco, nagbi-videoke sila noon nang mag-message ang kaniyang ina na salubungin siya dahil marami siyang pinamili. Dito naisip ni Marco ang pakulo.

Nakisayaw si Mommy Pinkie sa pagsalubong sa kaniya, pati na rin ang driver ng tricycle na sinakyan niya.

 

—Jamil Santos/LBG, GMA News