Talino at talento ang naging puhunan ng isang estudyante para makapagtapos ng senior high school kahit naapektuhan ng pandemya ang kabuhayan ng pamilya.

Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Biyernes, sinabing nagbenta si Edgian James Calapardo Florida ng mga gawa niyang artwork para matustusan ang kaniyang pag-aaral at pangangailangan ng pamilya.

Kinailangan ni Florida na maghanap ng pagkakakitaan nang maapektuhan ang kanilang kabuhayan dahil sa pandemic.

Ang kaniyang tagumpay, inialay niya sa kaniyang ama na isang magsasaka na nagsakripyso rin para siya makapag- aral.

Dahil nag-viral ang ilan niyang artwork, nakatanggap umano si Florida ng scholarship sa isang fashion school sa tulong ng isang designer sa Italy. --FRJ, GMA News